BACOLOD CITY -- Napatay ang isang New People's Army (NPA) rebel matapos maka-engkwentro ang militar sa Escalante City, Negros Occidental.
Kinilala ng 303rd Infantry Brigade (IBde) ang napatay na si Armando Atoy alyas "Arnold" at "JunJun," residente ng Barangay San Pablo, Manapla Town, Negros Occidental.
Napatay si Atoy sa pakikipagbarilan sa pullisya at hukbo sa Sitio Tabunoc, Barangay Libertad noong Huwebes, Abril 20. Dalawang sundalo naman ang sugatan.
Narekober sa engkwentro ang M14 rifle, tatlong M14 magazines, 20 live ammunition, bandolier, tatlong riffle na bomba, tatlong live grenade launcher ammunition, isang camera, dalawang commercial radio, isang backpack, food supplies, subversive documents, at iba pang pagmamay-ari ng rebelde.
Ang kaniyang labi ay kinuha ng kaniyang mga magulang na tinulungan ng pamahalaang lungsod ng Escalante, at mga opisal ng Barangay San Pablo, ayon sa militar.