"2023 NA BODY SHAMER KA PA DIN MADAM!"

Nanggigil ang netizen na si "Gelot Ambolode" sa isang babaeng pasahero na nakasakayan niya sa isang pampasaherong bus patungong San Jose Del Monte, Bulacan.

Kuwento ni Gelot, hindi niya nagustuhan ang "pasmadong bibig" ng body shamer sa mga estudyanteng sumakay sa bus, noong ito ay nasa bandang North Fairview sa Quezon City.

Noong una raw ay hindi niya pinansin ang mga sinasabi ng "madam" dahil akala niya, kasama siya ng tatlong estudyanteng sumakay.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

"May sumakay sa North Fairview na tatlong Nursing students. At kasabay nila itong si Madam na mukha naman edukada pero pasmado ang bibig Haha. So umupo sa pinakadulo yung tatlong students at tumabi itong si madam."

"Madam: Ang papayat n'yo naman miss halos di na ako mag kasya. Di ko pinansin noong una kasi akala ko kasama nila na nagjo-joke lang," hirit ng babae.

Hindi rin niya pinansin ito nang marinig na tila ang mga estudyante ang pinagbabayad nito sa pamasahe dahil hindi na raw siya magkasya sa upuan.

Ngunit nang lumapit na ang konduktor para maningil ng pamasahe, humirit na naman ang babae na dapat daw, discounted na ang bayad niya dahil hindi siya makaupo nang maayos. Halos sakop na raw ng tatlong estudyante ang upuan at tila inirereklamo ang timbang nila. Patuloy pang humirit ang babae at nagpanting na ang tenga ng concerned netizen dahil sa awa sa mga bata.

"MADAM DITO NA HO KAYO UMUPO SA UPUAN KO PALIT TAYO PARA MANAHIMIK KA LANG. SA SUSUNOD MAG-TAXI HO KAYO PARA DI KA NASISIKIPAN AT NAIINITAN," biglang sabi ni Gelot.

Nangatwiran pa raw si "madam" na wala ang kaniyang driver kaya siya nag-commute.

"AY WALA PO AKONG PAKI ALAM. HAHAHAHAHA TAMEME SI MADAM EH," sagot ng netizen.

Kaya narealize ng concerned netizen, "MINSAN TALAGA MAY MGA MATANDANG WALANG PINAGKATANDAAN. SANA WAG MARANASAN NG ANAK O APO MO 'YANG PAMAMAHIYA NA GINAGAWA MO."

"HINDI MO ALAM KUNG ANO MEDICAL CONDITIONS NG MGA BATANG YAN PARA HUSGAHAN AT IPAHIYA MO NG GANYAN."

"MAY MGA TAONG MAY MEDICAL CONDITIONS KAYA HIRAP MAGPAPAYAT OR HINDI PUMAPAYAT. I DID THAT DAHIL PAANO KUNG FAMILY OR FRIENDS KO MAKARANAS N'YAN."

"SYEMPRE MAS HINDI AKO PAPAYAG!! DON'T BE INSENSITIVE. BE CAREFUL WITH YOUR WORDS. GOD BLESS MADAM. BTW ANG ASIM MO. HAHAHA."

Nagbigay naman siya ng mensahe sa tatlong estudyanteng "pinintasan" ni madam.

"Sa inyong dalawa mga bebe. Both of you are beautiful no matter what your size are," aniya.

Sa panayam ng Balita kay Gelot, nais daw niyang maiparating sa lahat ang kaniyang Facebook post at nang maputol na ang stigma ng body shaming.

"I would be glad to allow to repost my recent post as my goal is to stop the stigma of body shaming at bullying. Thank you," aniya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 30k reactions, 21k shares, at 1.9k comments ang naturang viral post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!