Patuloy pa ring nananawagan sa kaniyang nasasakupan si Parañaque City Mayor Eric Olivarez na patuloy pa rin na sumunod sa minimum public health protocols at magpabakuna na laban sa Covid-19 upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa lungsod.

Ipinost ng alkalde ang paalala matapos ilagay ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 1 mula Abril 15 hanggang 30 bunsod ng pagtaas muli ng Covid-19 cases sa bansa.

Sinabihan din ni Olivarez angmga residente lalo na ang mga hindi pa nababakunahan ay maaari silang makipag-ugnayan sa kani-kanilang barangay health centers para magpabakuna laban sa Covid-19.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC