Inanunsyo ni United States (US) President Joe Biden, 80, nitong Martes, Abril 25, na muli siyang tatakbo bilang pangulo ng bansa sa taong 2024.
Sa kaniyang social media post, ibinahagi ni Biden na muli siyang tatakbo para tapusin ang nasimulan niyang trabaho.
"Every generation has a moment where they have had to stand up for democracy. To stand up for their fundamental freedoms. I believe this is ours," ani Biden.
"That’s why I’m running for reelection as President of the United States. Join us. Let’s finish the job," dagdag niya.
Inaasahan umanong magreresulta ang kampanya ni Biden sa rematch nila ni dating US President Donald Trump.
Samantala, sa ulat ng Agence France Presse, marami, kabilang na ang mga tagasuporta ni Biden, ang nangangamba sa gitna ng kaniyang edad.
Ito ay sa kabila ng medical exam ni Biden noong Pebrero na nagsabing "fit" siyang gampanan ang pagkapangulo.
Kung sakaling manalo sa eleksyon, nasa 86-anyos na si Biden sa pagtatapos ng kaniyang pangalawang termino.