Para kay Tito Sotto, personal niyang karga ang pagkadismaya sa tanong kung mananatili ba sa Eat Bulaga ang kilalang trio nila ni Vic Sotto at Joey de Leon o ang TVJ sa gitna ng panukalang “rebonding” ng bagong komposisyon ng TAPE Inc. na siyang producer ng programa.

“I am disappointed at what’s happening,” paglalarawan ng host sa panayam kay Nelson Canlas nitong Lunes na aminado ring nababasa ang ilang kontrobersiya ng programa sa ilang artikulo.

“Nakakahirap ng damdamin,” dagdag na epekto aniya ng pinaplanong pagbabago sa produksyon ng TAPE.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Dapitan Mayor Bullet Jalosjos na siya ring chief financing officer ng TAPE na walang mawawalang cast, at itinanggi ang “radical change” sa programa bagkus ay pagsasaayos lang lalo umano sa mga segment nito para sa susunod bagong audience.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pagsisiwalat naman ni Tito Sen: “They were asking everyone to resign, especially yung maliliit ang income. Pinagre-resign, pinag-reretire at ire-rehire naman daw.”

“Sabi ko what is the guarantee that they will be rehired sa oras na mag-retire sila. Eh kasi daw para daw maisyos ang budget, mas mababa ang isu-suweldo,” pagpapatuloy ng host na tinukoy maging ang nasa 30-35 taon nang empleyado ng programa.

Pagbabalik-tanaw ni Tito Sen, wala umanong “samaan ng loob” dati sa pagitan nilang mga host at sa pamilya Jalosjos, at nagretirong chairman ng TAPE na si Tony Tuviera.

Ito’y bago aniya sa mga inihapag na pagbabago ng bagong nagpapalakad sa korporasyon.

Nasa 75% stake ang hawak ng Jalosjos family habang 25% naman umano ang latest stake ni Tony sa TAPE, ayon kay Tito Sen.

“What do you expect us to feel? How do you expect us to feel?” anang host na umasang sana’y napag-usapan at nalinaw muna ang mga lumabas na impormasyon sa midya na kalauna’y taliwas pala sa kanilang posisyon.

Hindi naman tinatanggap nang magaan ni Tito Sen ang tanong kung mananatili aniya sila sa Eat Bulaga

“Masagwa pakinggan sa’min ‘yung mare-retain kami para bang pwede kaming sipain. Eh kami nga ang Eat Bulaga. Kaya ‘yung mga ganong salita, my unsolicited advice to them is mag-iingat naman kayo ng mga bitaw na salita lalo nakakasakit ang salita ninyo,” aniya

“Kami pigil na pigil kami, ang tagal na naming gustong ilabas ‘yan pero pinipigil naming tapos biglang babanatan mo kami ng ganyan,” aniya.

“Para namang napaka-kawawa namin. I think it’s improper. That kind of statement is improper,” dagdag ni Tito Sen.

Basahin: Problema sa pera ng TAPE, isiniwalat ni Tito Sen; utang daw kay Vic, Joey higit-kumulang tig-P30M na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid