Gaano magmahal ang mga aso?

Isang 4-months old na tuta sa General Santos ang nagtamo ng ilang mga sunog sa mukha at mga paa matapos niyang iligtas ang 5-taong gulang na anak ng fur parents niya sa isang sunog.

Sa Facebook post ng veterinarian nito na si Jacquiline Rufino Madi, kinuwento niyang nagising ang belgian malinios puppy na si “Princess” at ang bawat miyembro ng kanilang pamilya nang maramdamang nasusunog ang kanilang tahanan bandang 2:00 ng madaling araw noong Abril 20.

Dahil sa takot ay agad silang lumabas ng bahay para iligtas ang kanilang mga sarili sa sunog.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“For some reason, Princess wouldn't stop barking at her owner as if she is telling them something,” kuwento ni Madi. "When this puppy finally caught her owner's attention, she immediately ran back inside the burning house."

Sinundan naman umano siya ng kaniyang fur parent hanggang sa napagtantong nasa loob pa pala ang 5-taong gulang niyang anak na noong mga panahong iyon ay natutulog pa.

Agad niyang binuhat ang kaniyang anak palabas ng bahay habang sinusundan sila ni Princess na doon na nagtamo ng sunog sa mukha at mga paa niya.

“Her face and 4 legs, particularly her pads, were severely affected," anang veterinarian ni Princess.

Sa pagsaklolo ng fur parents ni Princess ay agad naman umano siyang ni-rescue ng ‘A Heart for Paws Gensan’, isang non-government organization, at dinala sa beterinaryo.

Sa ngayon ay ligtas na raw si Princess at nagpapagaling mula sa mga sunog na natamo niya dahil sa insidente.

“This just proves that ‘A hero can be anyone.’ Even a creature with four paws can save someone's life,” saad ni Madi.

Patuloy ang fundraising para sa ganap na pagpapagaling ng nasabing fur-hero.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!