Naniniwala si Tito Sotto na kung copyright lang ang usapan, si Joey de Leon kabilang niya at ni Vic Sotto ang may-ari ng halos 44 taon nang Eat Bulaga.

Sa kabila ng napagkasunduan umanong “status quo” sa produksyon ng noontime show kung saan 10 percent ang ibabawas sa sahod ng mga empleyado para maiwasan ang “paggalaw” o ilang pagbabago, aminado si Tito Sen na dismayado at hindi niya makita ang pangangailangang ma-reinvent ito.

Basahin: ‘Kami ang Eat Bulaga’: Tito Sotto, pinersonal, nasasaktan sa tanong kung mananatili ba ang TVJ sa EB – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito matapos ang naging resolusyon ng isang General Assembly ng TAPE Inc. kasama ang lahat ng empleyado ng Eat Bulaga noong Pebrero na unti-unting nagluwal ng maraming isyu sa publiko.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Taas ng rating, ire-reinvent mo. Hirap na hirap nga ang mga kalaban,” ani Tito Sen sa isang panayam ni Nelson Canlas nitong Lunes.

Malungkot din ang host para sa nagretirong si Tony Tuviera na dating chairman ng TAPE Inc. na para kay Tito Sen ay hiniling umano ng mga Jalosjos na magretiro na kasunod ng kanilang lalong pakikialam sa produksyon ng programa sa ngayon.

“That is my opinion. They can correct me if I am wrong but you can ask Tony,” saad ni Tito Sen.

Nauna nang itinanggi ni TAPE Chief of Financing Officer Bullet Jalosjos sa naunang pahayag ang saad na ito ng host.

Para naman kay Tito Sen, hindi pagmamay-ari ng TAPE ang Eat Bulaga kung pagbabasehan aniya ang teknikalidad ng copyright nito.

“If it’s a copyright issue, definitely it's owned by Joey de Leon and the three of us [Tito, Vic, at Joey],” kumpiyansang saad niya.

Dagdag niya, “Kami ang nag-imbento ng pangalan. That is uncontestable. Copyrighted or not, may mga copyright sila ng merchandising ‘yung TAPE, meron din kaming naka-file, pero immaterial ‘yun.”

“Ask the lawyers. There’s no such thing as ikaw ‘yung nagma-may-ari ngayon pero ito ang nag-imbento at saka ang may-ari sila. ‘Di pupwede ‘yun. If you’re talking about Eat Bulaga, it’s owned by Joey de Leon and Tito, Vic, and Joey,” pagpapatuloy ng dati ring Senate President.

“If you’re asking TAPE, TAPE is owned by them,” saad ng host gayunpaman sa korporasyon na pag-aari ng Jalosjos family ang nasa 75 percent habang 10 percent naman umano ang kay Tony.

Sunod namang pinabulaanan ni Tito Sen ang naunang pahayag ni CFO Jalosjos na simula’t sapul ay “involved” na ang kanilang pamilya sa Eat Bulaga.

“It was never that way. It was always Tony and the three of us [TVJ]. We would always consult the production heads,” aniya kaya’t tiwala ang host sa kasalukuyang husay ng produksyon.

Sunod na isiniwalat ni Tito Sen ang dahilan ng pananahimik muna ng kanilang panig mula nang pumutok ang kontrobersiya ng programa noon pang Marso.

“Eat Bulaga, the three of us and Tony, we’ve always tried our best to keep the image of Eat Bulaga as Eat Bulaga. Kaya nga iniiwasan naming ‘yung mga may kontrobersya na tao, politika, ganyan. As a matter of fact, every time, I’m elected into a major position in government I leave,” aniya kung saan sa piling okasyon na lang aniya noon at sa tuwing may imbitasyon nagpapaunlak sa programa.

“We’ve tried our best to avoid getting Eat Bulaga contaminated with political issues or controversial issues. We were very successful with doing that,” dagdag niya.

Basahin: Problema sa pera ng TAPE, isiniwalat ni Tito Sen; utang daw kay Vic, Joey higit-kumulang tig-P30M na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sunod ding naungkat muli ang kaugnay ng utang umano ng TAPE sa mga host kabilang na kay Vic kung saan suportado umano ng mga “rekord” na nakakaltasan pa umano ng VAT kahit na hindi pa nakatatangap ng talent fee noong 2022.

Sa huli, sa dalawang paraan lang nakikita ng host magtatapos ang malinaw na hindi pagkakasundo ng kanilang mga panig.

“Leave it as it is. It’s doing well. Leave it alone That’s one road to take,” ani Tito Sen sa TAPE sa pagtukoy sa Eat Bulaga.

“The other road is, hindi na tayo pwede magsama ‘pag ka ganun,” aniya.

Kung handa bang kumalas ang Eat Bulaga sa TAPE, saad lang ng host: “Let’s cross the bridge when we get there.”