Hindi maikakaila na ang fashion ay umunlad sa paglipas ng mga taon upang umangkop sa nagbabagong kondisyon ng lipunan at kapaligiran.

Sa gitna ng umuusbong na fashion, hindi maikakaila na hindi nagpapahuli ang "do it yourself" o DIY trend, na karaniwang gawang-kamay upang lumikha ng orihinal na disenyo.

Isa sa nauusong kagamitan para sa mga DIY fashion ay ang "jobus," isang uri na pangkulay para sa damit na kadalasang mabibili lamang sa murang halaga.

Kung babalikan, makikita na marahil ay mas matanda pa ang kagamitan na ito sa inyong mga lolo't lola dahil ang tao sa likod ng malikhaing kagamitan ito ay si Joe Bush, isang Amerikano na nagtayo ng isang laundry shop at pagtitina taong 1899.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Tulad ng ibang negosyo, hindi ito agad nakilala. Ngunit kalaunan, nagbunga ang pagsusumikap ni Joe Bush nang magsimulang lumaki at nakilala ang negosyo nito na tinawag na “Joe Bush Dyer & Cleaner.”

Noong panahon ito, nagsimula na ring magbenta si Bush ng mga dye power na naka-pakete at dito nagsimulang tawagin ang produktong ito na "jobus" o "dyobos."

Ikaw, nasubukan mo na bang mag-DIY ng iyong damit gamit ang jobus?