San Fernando, Pampanga -- Naaresto ng pulisya na nasa 119 na indibidwal kabilang ang operators sa isinagawang anti-illegal gambling operations mula noong Abril 22 hanggang 23.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3, nahuli ng pulisya ang 72 indibidwal na naglalaro ng "tong-its, cujao, monte, pusoy, at mahjong."
Habang 33 katao naman ang hinuli dahil sa paglalaro ng "tupada" at online sabong.
Bukod dito, nasa siyam naman ang nahuli dahil sa "cara y cruz" habang lima naman ang naaresto dahil sa "pool poker."
Isang fruit game machine na gamit sa pagsusugal ang nasamsam ng awtoridad.
Nakumpiska sa mga naaresto ang betting money na nagkakahalaga ng mahigit sa P67,000, playing cards, fighting cocks, pool table, at iba pang mga materyal ng gamit sa pagsusugal.
Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Law ang mga naaresto.