Kinaaliwan ng mga netizen ang gurong si Ronald Sandaga, isang Filipino teacher sa Grade 10 ng pribadong paaralan mula sa Pangasinan, matapos niyang ibida ang ginawa niyang long quiz, na hindi lamang may set A o set B, kundi umabot ng set AD!

Lumagpas nga sa alpabetong Filipino ang ginawang long quiz ni Sir Ronald upang maiwasan aniya ang "cheating" o kopyahan sa kaniyang mga mag-aaral.

"No one: SET A to SET AD ang long quiz!" ani Sir Ronald sa kaniyang caption.

"Mga estudyanteng nagli - leak ng test question: 😭😭😭."

Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando

Ayon sa panayam ng Balita sa guro, kinailangan niya itong gawin dahil sa isang insidente sa kaniyang klase.

"May isa kasi akong estudyante na nag-leak sa ibang section ng test question nila sa long quiz kaya naisipan ko pong gumawa ng SET A to SET AD na test item," anang guro.

"Bilang karagdagan, ginawa ko po ito upang maging fair din po sa ibang estudyante na napagod mag-review pero mababa ang nakuhang score kung ihahambing doon sa ibang students na nalaman lang iyong key answer kaya naka-perfect score."

Hanga naman ang mga netizen sa kasipagan, katiyagaan, at dedikasyon ni Sir Ronald sa kaniyang pagtuturo at paghahanda ng pagsusulit para sa kapakanan ng kaniyang mga mag-aaral. Hindi kasi madali ang paggawa ng mga tanong sa pagsusulit na isa o may dalawang set, paano pa kaya kung lagpas pa sa 28 kopya na may magkakaibang arrangement at numero ng tanong?

Kudos sa iyo, Sir Ronald!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!