BACOLOD CITY – Patay ang isang rebeldeng New People's Army (NPA) sa engkwentro sa militar sa Escalante City, Negros Occidental.
Kinilala ng 303rd Infantry Brigade (IBde) ang nasawi na sina Armando Atoy, alyas “Arnold” at “JunJun,” mga residente ng Barangay San Pablo, bayan ng Manapla, Negros Occidental.
Napatay si Atoy sa pakikipagbarilan sa pulisya at militar sa Sitio Tabunoc, Barangay Libertad noong Huwebes, Abril 20. Dalawang sundalo ang nasugatan.
Narekober mula sa encounter site ang isang M14 rifle, tatlong M14 magazine, 20 live ammunition, isang bandolier, tatlong rifle grenades, tatlong live grenade launcher ammunition, isang camera, dalawang commercial radios, isang backpack, food supplies, subersibong mga dokumento, at mga personal na gamit. .
Ang kanyang mga labi ay inangkin ng kanyang mga magulang na tinulungan ng pamahalaang lungsod ng Escalante at mga opisyal ng Barangay San Pablo, ayon sa militar.
Glazyl Masculino