Nanawagan si Pope Francis nitong Linggo, Abril 24, na itigil na ang karahasang nangyayari sa Sudan at ituloy na lamang ang dayalogo sa pagitan ng mga naglalabang paksyon ng militar sa naturang bansa.
Sinabi ito ng Pope sa isinagawang traditional Sunday prayers sa Saint Peter's Square sa Rome.
"Unfortunately the situation remains grave in Sudan,” ani Pope Francis na inulat ng AFP.
"That is why I am renewing my call for the violence to stop as quickly as possible and for dialogue to resume," the pontiff said during traditional Sunday prayers in Saint Peter's Square in Rome.
"I invite everyone to pray for our Sudanese brothers and sisters," saad pa niya.
Naglilikas na umano ang France, Italy, at United States ng mga mamamayan mula sa Sudan.
Kamakailan ay sinabi naman ng pamahalaan ng Pilipinas na gumagawa na ito ng aksyon upang mailigtas ang tinatayang 300 overseas Filipino worker (OFW) sa naturang bansa.
BASAHIN: Mga Pinoy sa Sudan, sumaklolo sa gitna ng karahasan sa bansa
Nagkakaroon ngayon ng labanan sa Sudan matapos sumiklab ang paksyon sa pagitan ng mga hukbo na tapat kay Heneral Abdel Fattah al-Burhan at paramilitary ng Rapid Support Forces (RSF).
Si Burhan ang namumuno sa transitional governing Sovereign Council ng Sudan habang ang RSF ay pinamumunuan ni Heneral Mohamed Hamdan Dagalo na siyang deputy head ng konseho.
Mahigit 400 indibidwal na umano ang nasawi habang libo-libo ang nasugatan dahil sa nasabing kaguluhan doon.