Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang mga parokyano na sumugod na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang lotto games.

Ito’y dahil lumobo pa sa mahigit ₱124 milyon ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na nakatakdang bolahin ngayong alas-9:00 ng gabi ng Lunes, Abril 24, 2023.

“124M na Ang tinatayang jackpot prize para sa #MEGALotto645, tataas pa kaya o makukuha na?,” ayon pa sa PCSO.

Samantala, batay pa rin sa jackpot estimates ng PCSO, ang jackpot prize naman ng GrandLotto 6/55, na bobolahin rin ngayong Lunes ng gabi, ay tumaas na sa ₱35 milyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang ang GrandLotto 6/55 ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya ng lotto, dahil sa halagang ₱20 lang ay may tiyansa ka nang magiging susunod na milyonaryo, at nakatulong ka pa sa mga kababayan nating nangangailangan.