Muling umapela si Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes sa mga residente ng lungsod na palaging magsuot ng face mask sa matatao at mga kulob na lugar.
Ginawa ni Lacuna ang panawagan kasunod ng patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, at pagsasailalim sa ilang lalawigan sa bansa Alert Level 1 at 2.
“Patuloy po tayong mag-ingat. Magsuot po tayo ng face mask lalo na sa mga enclosed areas. Mabuti na 'yung nag-iingat kesa magsisi sa bandang huli,” ayon pa kay Lacuna.
Kaugnay nito, hinikayat rin ni Lacuna ang lahat ng kawani ng pamahalaang lungsod na samantalahin ang libreng annual checkup na ipinagkakaloob sa kanila ng city government.
Nabatid na ang city government employees' clinic (CGEC) ang siyang nag-aasikaso ng city employees na nasa listahan at naka-schedule base sadepartment, bureau o tanggapan kung saan siya nabibilang.
Binigyang-diin ng alkalde na ang kalusugan ng mga kawani ay mahalaga sa lokal na pamahalaan ng Maynila dahil naniniwala ito na 'charity begins at home' at ang malusog na populasyon ay nangangahulugan ng mas mahusay na paghahatid ng pangunahing serbisyo sa mga residente.
Pinaalalahanan din ni Lacuna na isa ring doktor ang mga residente na maging maingat dahil sa init ng panahon.
"Wag nyo ho kalilimutan to hydrate yourselves.Hydrate nang hydrate," anang alkalde makaraang paiiksiin ang kanyang mensahe sa regular flag raising ceremony nitong Lunes dahil sa sobrang init.
Sa nasabing pagtitipon ay inanunsyo ni Lacuna ang 10 Sangguniang Kabataan councilsa lungsod na nagkaroon ng mga makabuluhan at natatanging programa para sa ikabubuti ng kani-kanilang barangay.