Usap-usapan ngayon ang mga kumakalat na tsikang kabilang ang dating Kapamilya star na si Liza Soberano sa cast ng film adaptation ng "Patron Saint of Nothing" na isang award-winning book.

Ayon sa iba't ibang social media pages, napaulat na kasama si Liza sa naturang adaptation na gagawin ni Diana Paragas, kasama sina Brandon Perea, Jon Jon Briones, at iba pa.

Gagampanan daw ni Liza ang papel ni "Mia," isang journalism student na nag-uulat tungkol sa drug war.

Wala pa mang opisyal na pahayag o kumpirmasyon mula rito, magandang balita umano ito para sa fans ng aktres.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabilang banda, umani pa rin ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"So nasa Hollywood sya pero basically Pinoy writers/producers pa rin? In other words, naka-rely pa rin s'ya sa kasikatan ng 'Liza Soberano' na inayawan na niya… Ok…"

"Dati, sabi photo op lang. Noong nalaman na totoong project, pinintasan pa rin dahil Pinoy ang author ng adapted material. Kahit ano na lang ipipintas. Parang demolition job talaga. Masama ang loob nila pag na nagbubukas ang opportunities for Liza/Hope."

"Liza is starting her footing. She really needs to be a tough and smart ass. Continue to hone her craft as an actor in order to survive in the Hollywood jungle."

"Do you girlie! Take everything in, experiment and go wherever life takes you. You don't live for someone else's satisfaction. Mga negang Pinoy are rooting for you to fail. Show them!!! Let them eat their hearts out."