Nagbigay ng babala ang isa sa mga anak ng yumaong Comedy King Dolphy na si Eric Quizon na magsasampa sila ng asunto laban sa isang liquor company na gumagamit sa pangalan at mukha ng kanilang ama nang walang pahintulot mula sa kanila.

Makikita sa label ng "Banayad Whisky" ang mukha ng yumaong komedyante, na ayon kay Eric ay walang permiso mula sa kanilang pamilya. Noong una raw ay nakipag-ugnayan sa kanila ang manufacturer ng brand subalit tumanggi sila.

"This serves as a warning to all. This bootleg seller is using my dad's image and banayad whisky, which are patented and with copyrights. At first they cooperated with us but stop communicating when the Quizons demanded them to stop selling. We have filed a case against. Please BEWARE!"

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang Banayad Whisky ay unang sumikat mula sa pelikulang "Father and Son" ng Comedy King.

Marami naman sa mga netizen ang sumang-ayon sa hakbang ng Quizon family.