Habang nagluluksa pa ang AROHA o ang fandom ng Korean boy group ASTRO kasunod ng pagpanaw ng miyembro na si Moonbin kamakailan, isang poll ng GMA Network ukol sa grupo ang ikinagalit ng marami nitong Lunes, Abril 24.

“Who’s your bias in K-pop group ASTRO?” mababasa sa online poll ng TV giant at kung bibisitahin ang artikulo sa website ay makikita ang nasabing poll.

Para sa maraming fans, at maging sa ilang kaswal na netizens, “bastos” at “insensitive” umano ang naturang content sa gitna pa rin ng nagluluksang K-pop community sa pagpanaw ni Moonbin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula Facebook

Burado na ang naturang content sa Facebook page. Bago nito ay huling namataan ang nasa mahigit 9,500 reactions at mahigit 1,700 shares.

Mababasa pa rin gayunpaman ang poll sa website ng GMA Network sa pag-uulat.

Screengrab mula sa website ng GMA Network

Kabilang sa mga nagkondena sa TV giant ang kilalang Filipino-run Korean page na Saranghaeyo Oppa na hindi rin makapaniwala sa naging content ng TV network.

“Imbes na makiramay, pinagkakitaan pa ang grupo! The behavior I didn’t expect from GMA,” sey ng isang netizen.

“This is harsh!” segunda ng isa pa.

“This is so disrespectful.”

“Hanggang ngaun hindi p ako nakaka get over tas ganyan sila!”

“GMA LEARN TO RESPECT AROHAS. THIS IS SO HARSH.”

“For the engagement?”

“not a fan of astro but they are so unprofessional and insensitive. how can people stoop so low just to gain public attention🙂

“GMA Networku should be banned.”

“Insensitive. Not an Astro fan pero nakaka offend!”

Suhestyon pa ng admininistrator ng page na sesantihin ang social media manager sa likod ng kontrobersyal na content.

Noong Abril 19, nang ikagulat ng marami sa K-pop community ang pagpanaw ni Moonbin, 25, sa bahay nito sa Gangnam-gu, Seoul.

Basahin: Report: Moonbin ng Kpop group Astro, pumanaw na sa edad na 25 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Taong 2016 nang mag-debut ang ASTRO na kinabibilangan nina sCha Eun-woo, Yoon San-ha, MJ, Jinjin, Rocky at ng yumaong si Moonbin.

Huling nasilayan ng Pinoy fans si Moonbin, kasama si San-ha sa isang fan-meeting event sa New Frontier Theater sa Quezon City noong Marso 25.

Samantala, wala pang pahayag ang GMA Network ukol sa binatikos na poll.