Halos lumuwa na ang backpack ng netizen na si Kharleen Narvasa, 24, mula sa Cebu, dahil sa laki ng isang buong lechon na pinauwi umano sa kanila sa isang handaan.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Narvasa na inimbitahan ang kanilang banda na tumugtog sa isang party dahil sa anniversary ng isang kumpanya at birthday ng may-ari nito.

Natuwa naman daw ang kanilang mga panauhin sa nangyaring tugtugan at jamming nilang magkakabanda, kaya’t nang natapos na silang mag-perform, sinabi sa kanila ng may-ari ng kumpanya at birthday celebrant na kunin lang lahat ng handang gusto nilang iuwi.

“Tapos kinuha po ni sir ‘yung isang ulo ng lechon. Sabi ko po ‘pang outing na yan sir’. Tapos sagot n’ya, ‘hala palitan natin mas malaki kasi pang-outing pala’ Kaya ayun kinuha ni sir ‘yung buong lechon,” kuwento ni Narvasa.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Naghanap naman daw sila ng plastic na pwedeng paglagyan ng lechon. Ngunit wala silang nakita kaya’t sinabi raw ng boss nilang sa bag na lang ilagay ang lechon.

“Tawang tawa sila na nasa bag ko ‘yung lechon. ‘Di ko po talaga akalain na halos isang buong lechon ‘yung ipapadala sa amin sa bag ko pa pinasok,” aniya.

Dahil sa laki ng lechon, pinaghati-hatian daw nila itong magkakabanda. Ni-ref din muna niya ang kaparte ng ibang kabanda nilang hindi na nakasabay sa kanilang umuwi nang gabing iyon.

Kinabukasan ay binigyan din daw ni Narvasa ang kaniyang mga kapit-bahay sa niluto niyang lechon paksiw at pritong lechon mula sa na-’sharon’ niya sa handaan. Balak din daw niyang lutuin ang sobra rito at dalhin sa gig nila.

“Kasi marami pong nagtatanong at may mga gustong tumikim din po sa lechon backpack,” saad ni Narvasa.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!