Sa latest vlog ni Kapuso star Bea Alonzo, nanggaling na mismo sa aktres ang dahilan ng kaniyang pagtaba.

Dahil anang aktres marami na raw netizens ang nakakapansin sa weight gain niya, dahilan para magtaka ang mga ito.

Kaya naman ipinaliwanag ng aktres na bukod sa Polycystic ovary syndrome o PCOS, siya ay mayroon rin nang tinatawag na "hypothyroidism" kung saan ayon sa pag-aaral ito ay ang pinaka karaniwang uri ng thyroid disorder.

Nangangahulugan ito na ang thyroid gland ay hindi sapat na aktibo. Ang maliit na glandula na ito ay matatagpuan sa leeg at ang trabaho nito ay gumawa ng thyroid hormone. Kung hindi aktibo ang glandula, maaaring hindi ito gumawa ng sapat na thyroid hormone.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kinokontrol ng mga thyroid hormone kung paano gumagamit ng enerhiya ang katawan. Kaya naman, nakakaapekto ito sa halos lahat ng organ kapag hindi sapat at bumagal ang ilang bahagi ng katawan.

Ngunit aniya, may mga paraan naman daw siya para unti-unting gumaling ito na bukod sa istriktong pag diet, e-ehersisyo, ay umiinom din siya ng mga supplements.

Humingi rin ng suporta sa fans ang aktres sa kaniyang mabilisang paggaling.