Inihain ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan ang House Resolution No. 910 na naglalayong isama ang patuturo ng foreign languages sa K-12 Program upang matularan umano ng mga estudyante ang husay ng bayaning si Dr. Jose Rizal sa pananalita ng mga wikang banyaga.

Ayon kay Libanan, naging tradisyon na sa sistema ng paaralan na ituro sa mga batang maging katulad ni Rizal, kaya’t nararapat din umanong matularan din ng mga ito ang bayani pagdating sa pag-aaral ng mga wikang banyaga.

Inilarawan din bilang isang “polymath”, natuto ang bayani ng iba’t ibang mga wikang banyaga tulad ng Arabic, Catalan, Chinese, Dutch, English, French, German, Greek, Hebrew, Italian, Japanese, Latin, Portuguese, Russian, Sanskrit, Spanish, at Swedish.

Samantala, sinabi rin ni Libanan na ang pagkatuto ng mga estudyante ng mga wikang banyaga, na bukod sa Ingles, ay lubos na magpapahusay sa kanilang kakayahan para makapagtrabaho sa ibang bansa. 

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“The whole world has become a global village with multilingual labor markets, thus creating a strong demand for workers with foreign language skills,” ani Libanan.

Saad pa ng kongresista, ang global corporations na nakabase sa “three largest economies” sa mundo na United States, China at Japan ay kilalang mas tumatanggap ng mga empleyadong nakapagsasalita ng second foreign language bukod sa Ingles.