Bukod kina Mama Karla Estrada at Alex Calleja, excited na rin sa pag-ere ng nagbabalik-Face 2 Face ang bagong set ng "Trio Tagapayo" na sina Bro. Jun Banaag a.k.a. "Dr. Love," Dra. Camille Garcia, at Atty. Lorna Kapunan.

Sa kanilang tatlo, si Dra. Garcia lamang ang natira mula sa orihinal na Trio Tagapayo, na siyang nagbibigay-payong medikal sa partidong magbabardagulan.

Si Dr. Love naman ang magbibigay-payo sa aspetong ispirituwal habang si Atty. Kapunan naman ang magbibigay ng legal advice.

Hindi makapaniwala si Dra. Garcia na makalipas ang halos 9 na taon ay muling magbabalik ang programa, ayon sa isinagawang press conference hinggil dito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Dahil parang palaging sinasabi na babalik pero parang sabi ko after nine years parang impossible na," aniya.

Perfect timing aniya ang proyektong ito dahil retirado na rin siya.

"Noong nangyari 'to parang naging adrenaline junkie na naman ako. Pag nandito ako iba yung pakiramdam ko. Dito lang ako nakakapagpayo na hindi ako masyadong nagagalit doon sa mga ina-advisan kong mga bata. Dahil kasi sa mga counseling, kung minsan maiinis ka roon sa ibang mga bata na hindi nakikinig. Pero ito nakakagulat dahil talagang nakikinig sila."

Excited naman si Dr. Love sa kaniyang gagawing pagpapayo na aniya ay wala namang kinaiba sa kaniyang radio show.

"Ito talaga yung programang tumatalakay sa makulay na buhay ng tao, yung totoong tao. At the same time, totoong buhay at totoong kasaysayan na pinag-uusapan natin," aniya.

Para naman kay Atty. Kapunan, nagpapasalamat siya sa TV5 dahil ito ang pagkakataong makapag-give back naman siya sa publiko, sa pamamagitan ng pagbibigay ng payong legal.

"Maganda nga itong 'Face 2 Face' kasi kagaya nga ng sinabi ni Dr. Love, lalo na kung away ng pamilya or magka-barangay, wag n'yo paabutin sa korte lalo na't kulang ang mga justices, kulang mga korte. Meron tayong barangay system na if you're residents of the same barangay eh necessary step 'yon before going to court."

Mapapanood na ang Face 2 Face sa darating na Mayo 1.