Viral na ngayon sa Facebook ang insidente ng suntukan sa pagitan ng isang import ng Sirius Star Pilipinas at 6'6" power forward ng NLEX Road Warriors na si JR Quiñahan sa isang larong bahagi ng "ligang labas" sa Northball Basketball League sa Cebu nitong Sabado.

Sa isang video na tumagal ng isa't kalahating minuto at ipinost nitong nitong Abril 23, makikita na nasa free-throw situation ang laban.

Bigla na lamang pinagsusuntok ng import si Quiñahan hindi kaagad nakalaban dahil sa bilis ng pangyayari.

Sumali rin sa kaguluhan si Rain or Shine playerBeau Belga, kinuhaang bola at ibinato sa import. Gayunman, hindi ito tumama.

National

Meralco, may dagdag-singil ngayong Pebrero

Kaagad namang naawat ang mga sangkot sa insidente.

Naiulat na bukod kay Belga, kakampi ni Quiñahan sina Jio Jalalon at Robert Bolick sa nasabing laro na hindi bahagi ng PBA games.

Noong 2020, naglabas ng memorandum ang PBA na nagdedetalye sa mga parusa at multa ng mga manlalaro ng liga na sumasali sa mga "ligang labas."

Wala pang inilalabas na pahayag ang PBA hinggil sa insidente.