Kuntento na si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. sa mahigit na tatlong dekada nito sa serbisyo.

Ito ang inihayag ni Azurin kasunod na rin ng pagreretiro nito sa Lunes, Abril 24. Naabot na ng opisyal ang mandatory retirement age na 56.

Nagpapasalamat din ito sa walong buwan na pagiging hepe ng PNP sa kabila ng hindi nito natapos na trabaho.

"While I am excited for what the future holds, I cannot help but feel a sense of nostalgia and gratitude for the past 34 years I have dedicated to this noble profession,” sabi ni Azurin sa mga mamamahayag pagkatapos siyang bigyan ng testimonial parade sa Fort del Pilar sa Baguio City nitong Sabado.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Si Azurin ay miyembro ng PMA "Makatao" Class of 1989.

Binanggit din ni Azurin ang mga nagawa ng PNP, partikular na sa patuloy na kampanya laban sa iligal na droga.

"We value the preservation of life. And we do not need to threaten criminals because the guidance of our President is very clear, to make this country a safe place whether they are inside or outside of their home,” aniya.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang napipili si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kapalit ni Azurin sa kanyang puwesto.

Philippine News Agency