Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang probinsya ng Isabela nitong Linggo ng hapon, Abril 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 5:19 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 18 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Maconacon, Isabela, na may lalim na 55 kilometro.
Naramdaman umano ang Intensity V sa Maconacon, ISABELA, habang Intensity IV sa Delfin Albano, ISABELA; Tuguegarao City, Penablanca, at Enrile, CAGAYAN.
Itinaas naman sa Intensity III ang Luna, Flora, at Santa Marcela, APAYAO; Cabagan, San Pablo, at Santa Maria, ISABELA, habang Intensity II sa Jones, Angadanan, San Isidro, Dinapigue, Cordon, Ramon, San Manuel, San Mateo, at Cauayan, ISABELA; Piddig at San Nicolas, ILOCOS NORTE; Banayoyo, ILOCOS SUR.
Samantala, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V - Penablanca, CAGAYAN
Intensity IV - Gonzaga, CAGAYAN
Intensity III - Ilagan, ISABELA
Intensity II - Casiguran, AURORA; City of Batac, Pasuquin, City of Laoag, ILOCOS NORTE; CITY OF SANTIAGO, ISABELA; Tabuk, KALINGA; Madella, QUIRINO
Intensity I - Bangued, ABRA; Baler, Diapaculao, AURORA; Vigan City, Sinait, ILOCOS SUR; Bayombong, NUEVA VIZCAYA
Hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol, ngunit pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng aftershocks.