Under custody na ng Diffun Municipal Police Office sa Quirino ang isang lalaking estudyante matapos mahulihan ng mahigit sa₱700,000 na halaga ng marijuana sa ikinasang anti-drug operation nitong Sabado.

Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng 22-anyos na suspek na taga-Barangay Lutuad, Diffun, Quirino.

Sa report ng pulisya, naaresto ang suspek matapos bentahan ng iligal na droga ang police poseur-buyer sa Brgy. Andres Bonifacio nitong Abril 22.

Kumpiskado ng mga awtoridad ang ilang boteng naglalaman ng marijuana oil, at ilang nakabalot na pinatuyong dahon ng marijuana na nasa 6,000 gramo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inaalam pa ng pulisya ang mga kasabwat ng suspek at pinagkukunan nito ng nasabing illegal drugs.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022).