"Init ka lang, Pinoy kami!"

Trending ngayon sa social media ang Facebook post ng college instructor na si Claudine Mae Leysa, nagtuturo sa kursong Information System sa West Visayas State University (WVSU)-Pototan Campus sa Iloilo dahil sa labis na init at alinsangan ng panahon.

Ayon sa Facebook post ng guro, pumalo sa 47 degrees Celsius ang heat index noong Huwebes, Abril 20, kaya nagdesisyon siyang magsagawa ng klase sa labas ng silid-aralan, at pumuwesto sa mga lilim ng puno sa loob ng campus.

"How we beat the 47 C heat index yesterday. Conducted the class outside," ani Claudine.

'Iwas-init, iwas-cheat!' Guro sa Quezon, nagpa-exam sa open field

"Init ka lang importante ma-explain si Use Case Diagram 🤣," dagdag ng guro.

Ayon sa panayam ng Balita kay Ma'am Claudine, iniwasan niyang maulit ang nangyari sa isa sa mga mag-aaral niya, na inatake ng hika dahil sa sobrang init sa loob ng silid-aralan.

Hindi naman akalain ng college instructor na magiging viral ang kaniyang Facebook post.

Sa palagay rin ni Ma'am Claudine, kailangang i-revert ang school calendar dahil talagang nakakaapekto sa epektibong pagtuturo at pagkatuto ang alinsangan ng panahon.

"I think we should revert po sa old school calendar. Struggle kasi yung klase pag summer na kasi sobrang init maraming nagkakasakit then distracted po kami lahat kasi sobrang init."

"The classroom conditions are no longer conducive for learning. Intolerable po yung heat. I hope they will consider as students also wanted to revert to the old school calendar," dagdag pa niya.

Samantala, isa pang guro mula naman sa Sariaya, Quezon ang nagpa-exam naman sa kaniyang klase sa senior high school sa lilim ng kanilang open field.

Nananawagan ang mga guro, mag-aaral, at mga magulang sa Department of Education (DepEd) na baka naman maaaring ikonsiderang maibalik sa orihinal ang school calendar, at iwasang nasa loob ng mga paaralan ang mga mag-aaral tuwing Abril at Mayo, sa mga panahong labis ang init dulot ng summer season.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!