Gumagawa na ng aksyon ang pamahalaan upang mailigtas ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Sudan dahil na rin sa matinding kaguluhan.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Sabado, malaking hamon sa gobyerno ang pagsagip sa mga Pinoy sa lugar.

“Malaking problema natin sa Sudan. We have about 300 people in Sudan. Unfortunately, none of the airports are functioning. They are still under fire. Also, we cannot ascertain a secure land route for them to leave,” banggit ng Pangulo sa isang television interview.

"It is a long road from Khartoum to Cairo which is where our embassy is, that is in charge also of Khartoum and Sudan. But we are already preparing the assets that might be involved. We are just waiting to get better information as to whether or not it will be safe to bring our evacuees out of Khartoum, perhaps into Cairo,” sabi pa ng punong ehekutibo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nag-ugat ang lahat sa sagupaan sa pagitan ng Sudanese Army at paramilitary group na Rapid Support Forces (RSF) sa Khartoum, Sudan bunsod ng pag-aagawan sa kapangyarihan.

Nauna nang nagpasaklolo sa pamahalaan ang mga Pinoy sa lugar dahil nauubusan na sila ng pagkain sa gitna ng giyera.

Naiulat na nasa 86 na Pinoy ang nais nang umalis sa lugar habang nasa 49 naman ang humihiling na pauwiin na sa Pilipinas.

Sa pahayag naman ng World Health Organization (WHO), umabot na sa 400 ang nasawi sa bakbakan sa Sudan.