Proud na ipinamalita ng aktres na si Sharlene San Pedro ang pagbili niya ng brand new car, na aniya ay bunga ng kaniyang pagod sa pagtatrabaho.

Makikita sa kaniyang Instagram post noong Huwebes, Abril 20, ang mga litrato kung saan makikita ang kaniyang bagong biling Ford SUV.

"First time nakangiti sa picture. hahahaha," ani Sharlene sa kaniyang caption.

"Sulit lahat ng pagod. Thank you, Lord."

National

Pag-turnover ni VP Sara kay Sen. Angara sa DepEd, gaganapin sa Hulyo 18

Nagpaabot naman ng pagbati sa kaniya ang kapwa celebrities, fans, at netizens.

Si Sharlene San Pedro ay unang sumikat bilang child star matapos maging kalahok at manalong second place sa talent search na "Star Circle Quest: Kids Edition" noong 2004 ng ABS-CBN, kasama si Nash Aguas.

Kamakailan lamang ay naging bahagi si Sharlene ng pelikulang "Ten Little Mistresses" na isang dark-comedy-mystery movie na mapapanood sa Amazon Prime Video.