How true ang tsikang hindi na raw matutuloy ang pelikulang pagbibidahan at pagtatambalan nina Kapuso stars Alden Richards at Bea Alonzo?

Matatandaang bago pa man umugong at sumambulat ang balitang lumundag na sa GMA Network si Bea noong 2021, una munang napaulat ang pirmahan ng kontrata sa producers ng pelikula kasama silang dalawa, para sa Pinoy movie adaptation ng South Korean movie na "A Moment To Remember" noong 2004.

Ang movie outfits na nag-collab dito ay Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

Sinabi pa nga ni Bea noon sa panayam sa kaniya na bagama't nakakaramdam siya ng pressure, komportable siyang makatrabaho si Alden kahit na ito ang unang pelikulang pagsasamahan nila, pero hindi ito ang unang beses na nagsama sila sa isang proyekto---sa TV commercial nga lang ng isang brand ng shampoo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa isang lumabas na ulat, nagkaroon daw ng "personality clash" sina Alden at Bea sa halos pagtatapos ng kanilang taping sa kanilang seryeng "Start Up PH." Mayroon umano silang hindi pagkakaunawaan ngunit hindi malinaw kung ano ito.

Kaya nga marami rin ang nagtataka kung bakit walang update tungkol sa shooting ng pelikula, at mas nauna pa ang proyekto ni Alden kasama ang Kapamilya star na si Julia Montes.

Si Bea naman, ibang proyekto ang napapaulat sa kaniya, at ang latest nga ay nabahiran pa ng intriga matapos daw siyang hindi mabanggit sa report ng TV Patrol noong Abril 18.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/04/20/bea-alonzo-solong-iniulat-ng-tv-patrol-kaugnay-ng-ang-larawan-concert/">https://balita.net.ph/2023/04/20/bea-alonzo-solong-iniulat-ng-tv-patrol-kaugnay-ng-ang-larawan-concert/

Anyway, ito ay pawang espekulasyon pa lamang at wala pang kumpirmasyon, opisyal, o pormal na pahayag ang pamunuan ng network, movie outlets na magpro-produce nito, at maging ang panig nina Alden at Bea. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2020/12/15/bea-at-alden-magtatambal-sa-pinoy-adaptation-ng-hit-korean-movie/">https://balita.net.ph/2020/12/15/bea-at-alden-magtatambal-sa-pinoy-adaptation-ng-hit-korean-movie/