Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ng Navotas City ang mga residenteng nakatira sa coastal areas ng lungsod na mag-ingat sa high tides mula Abril 23 hanggang 25.

Binalaan ng pamahalaang lungsod na dapat manatiling mapagmatyag ang mga residente kapag tumaas ang tubig sa dagat kaysa sa normal na lebel nito.

Sinabi nito na ang pagtaas ng tubig ay magsisimulang tumaas sa Linggo ng tanghali.

Ngayong linggo, ang pinakamataas na pagtaas ng tubig ay inaasahang aabot ng hanggang dalawang metro mula sa normal na antas ng dagat. Ito ay inaasahang magaganap bandang alas-12:25 ng tanghali sa Linggo at 12:52 p.m. sa Lunes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag ng pamahalaang lungsod na maaari ring tumaas ng hanggang 1.6 metro ang pagtaas ng tubig sa dagat sa Martes ng hapon.

Tiniyak din nito sa mga residente na hindi magdudulot ng baha ang pagtaas ng tubig sa dagat dahil ang floodgate na itinayo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay maaaring maglaman ng hanggang dalawang metro ng high tide.

“Mag-ingat at maging handa po sa anumang sakuna,” dagdag ng pamahalaang lungsod.