Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinaharap kamakailan ay nagpahayag ng kumpiyansa si Miss International Queen Philippines 2023 Lars Pacheco para sa tangkang back-to-back win ngayong taon para sa bansa.

Sa Hunyo 24 na gaganapin ang MIQ pageant sa Pattaya, Thailand, ayon sa anunsyo ng transwoman-exclusive pageant brand nitong Biyernes, Abril 21.

“Pilipinas, I cannot wait to raise our flag, 🇵🇭🇵🇭🇵🇭” confident na saad ng Pinay rep.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito’y sa kabila ng mga kontrobersiyang kinaharap kamakailan sangkot ang fellow beauty queens na aminadong muntik na niyang ikinatalsik sa puwesto.

Basahin: Lars Pacheco, inakusahang si Patricia Montercarlo ang puno’t dulo ng isyu: ‘You are evil’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: Queen Lars Pacheco, may ‘pasabog’ sa MIQPH issue: ‘Ito ang katotohanan!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasalukuyan reigning queen ng MIQ ang Cebuana beauty queen na si Fuschia Anne Ravena.

Basahin: ‘Relax’: Transpinay Fuschia Anne Ravena, may mensahe sa fans matapos machikang sasabak sa MUPH – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa tingin ninyo, kaya kayang masungkit ni Lars ang isa pang korona para sa bansa?