Isiniwalatng Primetime King na si Dingdong Dantes na nagkaroon din siya ng insecurities sa kakayahang mag-host nang i-alok sa kaniya ang game show na "Family Feud" noon.
Sa kaniyang interview sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, Abril 21, itinanong sa kaniya ng TV host kung paano nabagong hosting ang kaniyang career at buhay.
Kaya ikuwento niya nanagkaroon siya ng insecurities nang i-alok sa kaniya ang pagho-host ng nasabing game show.
Aniya, marami pa raw kasing mas magaling sa kaniya.
"Noong binigay po sa akin ang Family Feud, nung sinabi na may opportunity para gawin mo ito, tanong ko, 'Ako ba talaga?' Kasi I recognize that there are more people out there who can do it better and who I think are more capable. So may mga ganun eh. May mga insecurities nung nag-uumpisa kung ako ba talaga dapat ang nandito especially coming from a very very successful franchise ni Tito Steve Harvey," sey ni Dingdong.
“But then noong nagsisimula na ako of course having so much trust and confidence with our network dahil I'm sure there was wisdom behind giving me and assigning me this one," dagdag pa niya.
"May mga kaunting tao na talagang nagpa-boost ng aking confidence, si Direk Cosme sabi niya, 'just be who you are.' Sabi ko, 'oo nga no, no pretensions.' Sabi naman ni Ma'am Lilybeth, 'Kung sino ka, yun na lang, gawin mo lang yun and just enjoy yun ang pinakamahalaga,' So I did that," kuwento pa ng primetime king.
Pinasalamatan din niya ang iba pang mga taong tumulong sa kaniya para i-boost ang kaniyang confidence sa pagho-host kagaya na lamang ng kaniyang ina, ama, at misis na si Marian Rivera.
Para kay Dingdong, talaga raw life-changing ang pagiging host.
“Para sa akin, it's really sort of life-changing because therapeutic siya for me. It made me realize so many other things in the context of performance,” anang aktor.Mapapanood si Dingdong mula Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud. Bukod dito, malapit na rin siyang mapanood sa mga bagong proyekto na "The Voice Generations" at "Royal Blood" na pareho ring mapapanood sa GMA.