Ito ang latest talak ng kontrobersyal na fashion socialite sa kadalasang tanong sa mga miyembro ng LGBTQ community o maging sa mga taong hindi nakikitang magkaroon ng sariling anak sa hinaharap.

“Anong isasagot ninyo kapag may nagtanong sa inyo, kapag matanda na kayo, sino mag-aalaga sa’yo?” tanong na pinagsimulan ng TikTok content ni Ninang kamakailan.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Hanash ni Bryanboy: “Ako alam ko isasagot ko. My money. My money will take care of me. Sabihin natin uugod-ugod ka na. Tapos inatake ka sa puso sa bahay mo. Tapos ‘yung anak mo lumpit na ng ibang bansa. ‘Yung mga apo mo naman nasa eskwelahan. ‘Yung mga pamangkin mo walang kwenta. Sino magdadala sa’yo sa ospital?”

“Sa palagay mo ba aalagaan ka ng mga kapitbahay mong walang kuwenta’t chismosa?” pagpapatuloy niya habang ipinuntong dapat kilalanin ang katotohanang may “kaniya-kaniyang buhay” na ang mga kapamilya o kaibigan na hindi asahang magiging kaagapay mo sa lahat ng panahon.

Basahin: Bryan Boy, inaming siya’y isang atheist: ‘Wag niyo isaksak sa baga ko ang pinaniniwalaan niyo’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Biruin mo iistorbohin mo sila. Sa palagay mo na, itutulak nila ‘yung wheelchair mo 24/7? Pupunasan ba nila ‘yung  ano [puwet/dumi] mo kapag kailangan mo gumamit ng banyo?”

Dagdag pa niya, “Tapos magtuturuan pa silang lahat to take care of you. Mag-aaway ‘yang mga ‘yan. And hindi ka pa nai-embalsamo, pinag-aawayan na nila mga pag-aari mo.”

Sa huli, ang kaniyang pera aniya ang mag-aalaga sa kaniya sa oras na tumanda na siya’t kailangan ang tulong ng iba.

“So the only solution talaga is, make your money take care of you. Magbayad kayo ng caretaker and undertaker,” pagtatapos niya.

Basahin: Bryan Boy, walang awang tumalak sa netizen na nanghihingi ng panggatas, pang-diaper ng anak – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kilala ang fashion socialite sa kaniyang diretsahan at kadalasa'y taliwas sa tradisyonal na mga paniniwala ng Pilipino sa mga bagay-bagay kagaya ng pagkakaroon ng anak, paniniwala sa Diyos, bukod sa maraming iba pa.