Dalawang Pinoy na umano'y biktima ng human trafficking at paalis sana patungong Dubai ang naharang ng mga awtoridad sa NinoyAquino International Airport (NAIA) kamakailan.

Sa pahayag ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, pasakay na sana sa Cebu Pacific ang dalawang Pinoy na nagpanggap na turista nang maharang sila sa primary inspection sa NAIA-Terminal 3 nitong Abril 19.

Sa interogasyon ng mga tauhan ng BI, inamin ng dalawang Pinoy na magtatrabaho sana sila bilang household service workers sa Dubai.

Binanggit ng BI, inatsang ang dalawang biktima na makipagkita sa mga recruiter sa isang fast food restaurant bago sumailalim sa immigration clearance, dala ang kanilang pasaporte at boarding passes bago sila magtungo sa departure area.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“The victims were directed to wait for escorts, but when they got there, nobody arrived and they could no longer contact those who handed them their passports," anang ahensya.

Idinagdag pa ng dalawang biktima na nalaman lamang nila sa dalawang recruiter na mayroong bakanteng trabaho sa Dubai.

Ang dalawa anila ay kinilalang sina "Regine" at "Onday" na nakilala lamang nila sa Facebook.

Nangako naman ang Inter-Agency Against Trafficking na tutulungan nila ang dalawang biktima upang makapagsampa ng kaso laban sa mga recruiter.

Philippine News Agency