Isang ceremonial silver cross, na ayon sa Vatican ay naglalaman ng mga tipak na nagmula sa krus na ginamit sa pagpapako kay HesuKristo, ang itatampok umano sa koronasyon nina His Majesty King Charles III at Her Majesty the Queen Consort sa darating na Mayo 6 sa England.

Sa ulat ng Agence France Presse, ibinigay ni Pope Francis ang dalawang kaputol ng "True Cross", isang 5 millimeters ang haba at isang 1 centimeter, bilang regalo sa pagpuputong ng korona sa hari at reyna.

Binasbasan umano ni Wales Archbishop Andrew John ang bagong Krus ng Wales noong Miyerkules, Abril 19, sa harap ng mga dignitaryo at parokyano sa Llandudno sa hilagang Wales. Dadalhin na ito sa London para sa nasabing koronasyon.

"[The cross] speaks to our Christian faith, our heritage, our resources and our commitment to sustainability,” saad ng arsobispo.

Internasyonal

PBBM, dadalo sa koronasyon ni King Charles III

"We are delighted too that its first use will be to guide Their Majesties (Charles and Camilla) into Westminster Abbey at the coronation service,” dagdag niya.

Pagkatapos ng koronasyon, ibabahagi umano ng mga Anglican at Roman Catholic churches ang naturang krus sa Wales.