Humihiling ngayon ng dasal ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu para sa kaniyang kapatid na may sakit.

Sa isang Instagram post, nag-upload si Kim ng ilang larawang nasa ospital ang kaniyang kapatid.

"Today is different. I wish it were different," saad ni Kim sa caption. Iyon din ang araw na nagdiriwan siya ng kaniyang 33rd birthday.

Nagpasalamat siya sa mga bumati sa kaniya maging sa mga nagpadala ng regalo. Kung mayroon man daw siyang hihilingin, iyon ay ang prayers para sa kaniyang ate.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Hindi naman nabanggit ng aktres kung ano ang sakit o pinagdadaanan nito.

"Kung may hihingin man akong regalo sa inyo ngayon yun ay prayers para sa ate Lakam ko.Everything happened in a snap of a finger," anang aktres.

"She is my strength, and now the word strength becomes blurry. Please pray for her recovery," dagdag pa niya.