Ibinahagi ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr. nitong Huwebes, Abril 20, na nakipag-ugnayan siya sa pinsan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa pagbabakasakali umano niyang makausap ang pangulo dahil gusto na niyang umuwi.

Isa si Teves sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

"Kailan lang kinausap ko si Raymond Ablan. Pinsan ni Presidente, kaibigan ko yun, business partner ko yun,” saad ni Teves sa panayam ng ANC Headstart.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Sabi ko, 'Boss Raymond, can you tell your cousin if we could talk. Because gusto ko talagang umuwi. I miss home. I really miss home," saad pa niya.

Hindi naman ibinahagi ng mambabatas ang sagot ni Ablan sa kaniyang apela.

Umalis si Teves ng bansa noong Pebrero 28 para umano sa stem cell treatment sa Estados Unidos, at inaasahang umuwi noong Marso 9 dahil sa pagkapaso ng travel clearance nito na inisyu ng Kamara.

Ngunit dahil umano sa banta sa kaniyang buhay, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakauuwi ng bansa si Teves sa kabila ng panawagan sa kaniya ng Kamara maging ng pangulo para harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Sinuspinde ang mambabatas noong Marso 23 sa loob ng ng 60 araw dahil umano sa pagiging “magulo at pagsuway” nito.

BASAHIN: 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves