Inanunsyo ng ABS-CBN Events at talent agency na Star Magic ang pagbabalik ng celebrity sports event na “Star Magic All-Star Games,” kung saan magpapalakasan ang mga Kapamilya artists, hindi sa aktingan, kung ‘di sa iba’t ibang sports tulad ng basketball, volleyball, marami pang iba.

Sa opisyal na Facebook post ng talent agency, una nang isinapubliko ang mga miyembro ng kanilang basketball team na pinangungunahan ng kanilang playing coach na si Gerald Anderson.

“GAME ON!

The most awaited star-studded event of the year is finally happening!

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

First in our line up - STAR MAGIC DREAM TEAM,” ayon sa nasabing Facebook post.

Makakasama ni Gerald sa kaniyang team sina Daniel Padilla, Donny Pangilinan, Ronnie Alonte, Zanjoe Marudo, Jeremiah Lisbo, Argel Saycon, Lance Carr, Paolo Gumabao, Joseph Marco, Jimboy Martin, Miko Raval, Gerard Acao, at si JV Kapunan.

Inaasahan na kagaya ng mga nakalipas na taon ay kakalabanin ng Star Magic Dream Team ang basketball team ng “It’s Showtime” family.

Magaganap ang Star Magic All-Star Games sa darating na Mayo 21 sa SM Mall of Asia sa Pasay City, kung saan pwedeng bumili ng ticket ang mga fans na nagkakahalaga mula 150 pesos hanggang 10,000 pesos.