Nakakuha ng mataas na approval at trust ratings sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa inilabas na resulta ng March 2023 OCTA survey nitong Miyerkules, Abril 19.
Sa inilabas na “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, tinatayang 80% umano ng mga Pinoy ay aprubado ang kabuuang performance ni Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas. Nasa 6% naman ang hindi aprubado habang 15% ang undecided.
Pagdating sa trust rating ng pangulo, 83% umano ang nagtitiwala sa kaniya, 4% ang hindi nagtitiwala, habang 13% ang hindi nagbigay ng panig.
Samantala, nasiyahan umano ng 84% Pinoy sa performance ni Duterte bilang bise presidente, 4% ang hindi nasiyahan, at 12% ang undecided.
Ayon pa sa OCTA, 87% ng mga Pinoy ang nagtitiwala kay Duterte, 3% ang hindi nagtitiwala, habang 10% ang hindi nagbigay ng panig.
“It must be noted that the general public opinion regarding the performance and trustworthiness of the President and the Vice-President remains essentially constant between the OCTA Research Tugon ng Masa nationwide surveys conducted last October 2022 and its latest survey in March 2023,” saad ng OCTA.
Isinagawa umano ang nasabing non-commissioned survey, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Pinoy sa bansa na may edad 18 pataas, mula Marso 24 hanggang 28 ngayong taon.