“I’ll never do that again,” ito ang naging pahayag ng aktor na si Nicolas Cage nang ikuwento niya ang kaniyang karanasan matapos kumain ng buhay na insekto para sa isang pelikula.
Aniya sa isang interbyu, labis niyang pinagsisisihan ang pagkain ng buhay na ipis habang ginagawa ang 1988 black horror comedy na "Vampire's Kiss,"
"I'll never do that again. I'm sorry I did it at all," anang aktor.
Sa pelikula ni Robert Bierman, ginagampanan ni Nicolas ang papel ng isang kritiko sa panitikan na nagngangalang Peter Loew.
Sa isang eksena, ang karakter ni Nicolas ay kailangang kumakain ng hilaw na itlog, ngunit naisip ng aktor na ang pagkain ng ipis ay magiging mas epektibo dahil ito ay makakabigla sa mga manonood.
Kaya naman nagawa niya iyon alang-alang sa kalalabasan ng pelikula.