Tila hindi makapaniwala ang mga miyembro ng folk-pop band na Sugarcane matapos makapasok sa kauna-unahang pagkakataon ang mga awitin nilang “Leonora” at “Kung Maging Akin Ka” sa Viral Hits Philippines list ng music streaming platform na Spotify.

“Never sumagi sa isip namin na posibleng mangyari ‘to! Pero dahil sa suporta niyo, napatunayan naming wala talagang imposible!!! Sobrang solid n'yo, maraming salamat,” lahad ng banda sa kanilang Facebook post.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasa ika-94 na pwesto ang awiting “Kung Maging Akin Ka” na unang inilabas taong 2021, habang ang awiting “Leonora” naman ay pasok sa top 10, na nasa ikapitong pwesto.

Nagpasalamat naman ang banda sa mga kanilang mga taga-suporta at patuloy na nakikinig ng kanilang musika.

“We made it to Spotify's Viral Hits Philippines playlist, all thanks to your incredible support!! We couldn't have done it without all of you. Thank you for streaming!”

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa Bassist at Vocalist ng Sugarcane na si Carl Guerzon, sinabi nitong hindi pa rin sila makapaniwala sa kanilang bagong achievement.

“It is our first time na makasama sa Spotify charts and it feels surreal lalo na dahil libangan lang namin noong high school ang pagbabanda, and siyempre thankful kami sa mga nakinig, nakikinig at makikinig pa lang sa aming musika dahil kung wala sila, this dream won't be possible,” aniya.

Nang tanungin naman kung ano pa ang dapat abangan sa kanilang banda.Narito ang naging sagot ni Carl:

“May mga unreleased songs pa kami na dapat n’yong abangan na siguradong makaka-relate ang karamihan and the band are working harder to give our listeners quality stories, told through music. Nagsisimula pa lang po kami.”

Ang bandang Sugarcane ay nasa ilalim ng Warner Music Philippines at kinabibilangan nila Cedric Angeles, Carl Guerzon, Ronamae Tiñola, Frain Reyes, Luis Beato, at Froilan Bautista.