Sinimulan na ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region, katuwang ang Provincial Government of La Union at local government unit (LGU) ng Bagulin, La Union ang ikalawang bugso ng pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan para sa mga indigenous peoples (IPs) sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs), partikular na sa mga highland barangay ng Ba-Ay.

Sa isang kalatas nitong Huwebes, sinabi ni La Union Provincial Health Officer Eduardo S. Posadas, na siyang nanguna sa provincial health team, na ang mga indigenous peoples ay mayroon ring right to access, nang walang anumang diskriminasyon, sa lahat ng social at health services at kailangan itong maihatid sa kanila.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

“Ginagawa namin ang pagdadala sa kanila ng lahat ng kailangan nilang medical services dahil karamihan sa kanila ay hindi maka-afford na bumaba at pumunta sa pinakamalapit na health center o ospital dahil gaya dito sa Brgy Ba-Ay ay aabutin ng mahigit ₱500 ang magagastos sa one-way na pamasahe pa lang kaya yung iba hindi na nagpapagamot o nagpapacheck-up kahit may dinaramdam,” ayon kay Posadas.

“That is why we have to bring all the health services to them because it is much practical and inexpensive. At ang kagandahan pa nito, talagang lahat sila ay pupuntahan ka at dadalhin ang buong pamilya nila upang magpasuri ng kanilang karamdaman,” paliwanag pa ni Posadas.

Kabilang sa mga serbisyo na ipinagkaloob sa isinagawang reach-out activity ay dental, health consultations at PhilPEN (Philippine Package of Essential Non-Communicable Diseases Interventions) upang ma-assess ang presensiya o kawalan ng risk factors para sa early detection, prevention, at management ng mga Non-Communicable Diseases (NCDs) gaya ng hypertension at diabetes.

Ang mga IP families na dumalo sa aktibidad ay pinagkalooban rin ng libreng manicure, pedicure, haircut at massage, bukod pa sa mga libreng gamot, health kits at pagkain.

Nabatid na nasa kabuuang 184 IP families ang nag-avail ng health services.

Ayon kay DOH Regional Program Manager for Essential Non-Communicable Disease, Erwin M. Baclig, Jr., na siyang pinuno ng health assessment team, ang essential health services ay dapat na ipagkaloob sa lahat, kabilang na yaong mga financially at socially disadvantaged.

“…and we, in the health sector, must ensure that health care is delivered in a way that is centered on people's needs and respects their preferences,” aniya pa. “’Bringing facility-based health care services regularly to GIDAs addresses the inequities on health and improves the availability and access to health resources in these communities.”

“And with the implementation of Universal Health Care, basic health services will be equitably distributed to everyone, especially to our indigenous peoples for better health outcomes,” pagtatapos pa ni Baclig.