Kakaiba ang stress reliever at therapy ni Kapuso actress Max Collins matapos niyang ibida ang gun firing/shooting sa kaniyang Instagram post. 

Flinex ni Max ang kaniyang pagka-asintado sa pamamagitan ng video. 

"Yes I need therapy ?," caption ni Max.

"Thanks for being my therapist @benjo_ramos and for the sick content @patchcaballero?."

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Sey naman ng netizens, puwedeng-puwede nang sumabak si Max sa isang action series o pelikula. Dagdag pa ng iba, bawal ang paloko-loko kay Max dahil alam na nila ang kahahantungan nila.

Nagpasalamat naman sa kaniya ang staff na nag-asiste sa kaniya.

"Thanks for visiting ms. @maxcollinsofficial I was the one from the range who assisted you earlier.. ?."

"Thank you Sir see you soon! ?" tugon naman ni Max.