Ibinahagi ng direktor ng “Martyr or Murderer” na si Darryl Yap ang magalang at maayos na pagtanggi niya sa naging imbitasyon ng FAMAS o Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards, na mapabilang sa awards night o mapararangalan ang kaniyang pelikula.

"Opisyal na isinapublikong tugon ng inyong lingkod sa paanyaya ng FAMAS," ani Yap sa kaniyang Facebook post.

"Minabuti ko pong ipaskil ito upang sabayang ipabatid sa aking mga tagasubaybay, kaibigan sa industriya at mga katrabahong artista—"

"Ako po mismo ang umaako ng dahilan kung bakit di nakakasama sa ilang pagkilala ang ating mga munting pelikula. Hindi po ito 'humblebrag' o pagmamalaki at pagyayabang; hindi rin po nito sinusukat ang kredibilidad ng kahit na sino, hindi po ito repleksyon o tinig ng kahit na sino mula sa Viva films, ito po ay personal kong pahayag; ito po ay simpleng paninindigan lamang na sasagot sa mga tanong at kuro-kuro ng aking mga tagapagtangkilik."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Salamat po."

Kalakip ng FB post ang screengrab ng kumbersasyon ng direktor at isang taga-FAMAS.

Aniya, bagama't nirerespeto niya ang isa sa mga kinikilalang prestihiyosong award-giving body sa bansa, hindi naman niya kayang isakripisyo at ikompromiso ang kaniyang mga prinsipyo, halagahan (values) at paniniwala.

Matatandaang humakot ng parangal sa FAMAS ang pelikulang "Katips" na sinasabing tumapat sa kaniyang pelikulang "Maid in Malacañang" noong 2022.