Nanawagan si Balanga Bishop Ruperto Santos sa mga mananampalataya na manalangin para sa kaligtasan ng mga Pilipinong nagtatrabaho o naninirahan sa bansang Sudan sa gitna ng karahasang nangyayari doon.

Sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) News, ipinahayag ng obispo ang pag-aalala niya sa 258 Pinoy umano sa Sudan na nasa mahirap at delikadong sitwasyon ngayon.

“We are for you. We support our government to keep you all well-protected and bring you safely back home,” ani Bishop Santos.

Ibinahagi rin ng obispo na nagsasagawa rin sila ng dasal at mga banal na misa para sa seguridad ng mga Pinoy sa nasabing bansa.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“We are praying and offering holy masses for their safety and security. We advise them to remain calm, courageous, and prayerful. Stay in their place. Do not venture outside and always heed the advice of our government officials,” saad niya.

Matatandaang pinayuhan din kamakailan ng Philippine Embassy sa Cairo ang mga Pilipino sa naturang bansa na mag-ingat at iwasang pumunta sa mga pampublikong lugar sa gitna umano ng nangyayaring sagupaan doon.

BASAHIN: ‘Sa gitna ng nangyayaring labanan’: Embahada sa Cairo, pinag-iingat mga Pinoy sa Sudan

Nagsimula umano ang nangyayaring labanan sa Sudan dahil sa sumiklab ang paksyon sa pagitan ng mga hukbo na tapat kay Heneral Abdel Fattah al-Burhan at paramilitary ng Rapid Support Forces (RSF).

Dahil dito, ayon kay U.N. envoy for Sudan Volker Perthes, nasa 185 na ang naiulat na nasawi noong Lunes, Abril 17, habang mahigit sa 1,800 katao na ang nasugatan sa naturang bansa.