Usap-usapan ngayon ang tsikang inisnab o hindi binanggit ang dating Kapamilya-turned Kapuso star na si Bea Alonzo sa showbiz report segment ng "TV Patrol," ang flagship newscast ng ABS-CBN, matapos i-ulat ang ilang mga celebrity na bibida sa musical play na "Ang Larawan" noong Miyerkules, Abril 18.

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata at tenga ng mga netizen ang pag-iisa-isa sa pangalan ng mga artistang mapabibilang dito, subalit walang binanggit na "Bea Alonzo" gayong nakita raw ang aktres sa na kasama ng cast na nagsimula na ang rehearsal, ayon sa ulat ni MJ Felipe.

Ang binanggit na salita lamang sa dulo ay "at iba pa."

Kung babalikan nga ang ulat ng TV Patrol sa YouTube channel, nabanggit ang pangalan nina Hajji Alejandro, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Rachel Alejandro, Mitch Valdes, Ricky Davao, Kakai Bautista, Kakki Teodoro, Markki Stroem, Karylle at Jericho Rosales. Siyempre, ito ay nasa pangunguna ni Maestro Ryan Cayabyab,

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maging ang Kapuso singer na si Aicelle Santos ay nabanggit din.

Ilang beses na nahagip ng camera si Bea subalit hindi nabanggit ang kaniyang pangalan.

Kung panonoorin ulit ang umpisa ng ulat, maging sa opening spiels ni Star Patroller Gretchen Fullido ay hindi na siya nabanggit kahit makikitang kasama siya sa iba pang bigating cast.

Kaya naman, nagpupuyos ang damdamin ng fans ni Bea dahil tila kawalang respeto raw ito sa aktres, na minsan nang naging A-lister ng network.

Kung titingnan naman ang tweet ni MJ tungkol dito, makikitang binanggit niya ang pangalan ni Bea.

"LOOK: Jericho Rosales, Bea Alonzo, Karylle, Markki Stroem, Kakai Bautista , Kakki Teodoro and Aicelle Santos join the star-studded line up of stars performing at the 'Ang Larawan: The Concert' on May 6."

"Also in the photo are industry veterans Mitch Valdez and Nonie Buencamino; producers Girlie Rodis and Aaron Velasco of the Metropolitan Theater, and musical director Ryan Cayabyab."

"This star-studded 'Ang Larawan' concert is the culminating activity of Metropolitan Theater's year-long celebration of The Order of National Artists of the Philippines," mababasa rito.

https://twitter.com/mjfelipe/status/1647911477406482432

Kaya tanong tuloy ng madlang netizens, may kinalaman ba ito sa "tampo" ng ilang fersons sa ABS hinggil sa pag-ober da bakod ni Bea sa GMA?

Ayon naman kay Cristy Fermin, hindi raw alam ng top management ng ABS-CBN ang nangyari, kaya baka ipatawag ang mga nasa likod nito. Imposible nga naman daw kasi na hindi mabanggit si Bea gayong isa itong big star. Kaya naman, pakiramdam ng manager ni Bea na si Shirley Kuan ay hindi raw katanggap-tanggap ito.

Ang solusyon din umano ay bigyan ng special follow up report ang ulat na ito na magtatampok lamang kay Bea.