May kabuuang 532 persons deprived of liberty (PDLs) sa buong bansa ang lalaya ngayong araw, Abril 20 ayon Bureau of Corrections (BuCor).
Nabibigyan ng pagkakataong makalaya ang mga bilanggo kung sakaling malampasan nito ang sentensya o kaya naman ay mabigyan ng parole ng pamahalaan.
Ang nasabing pagpapalaya sa mga preso ay alinsunod sa decongestion program upang mabawasan ang mga bilang ng mga nasa piitan.
Nakatakda ring daluhan ito ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, kasama ang iba pang opisyales ng pamahalaan at kapulisan.
Sa datos, mayroong 211 PDLs mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang makakalaya; 40 mula sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong; 20 mula sa Leyte Regional Prison; 67 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.
Mayroon 24 PDLs mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan ay lalaya; 154 mula sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte; at 16 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm.