Sugatan ang isa sa dalawang miyembro ng Philippine Army (PA) matapos ambusin ng mga hindi nakikilalang lalaki sa Lamitan City, Basilan nitong Miyerkules.

Kaagad na isinugod sa Lamitan District Hospital ang biktimang si Private Jimmy Gaffud, 25, miyembro ng Army Canine Unit na naka-base sa Camp General Arturo Enrile sa Barangay Malagutay, Zamboanga City.

Nakaligtas naman sa insidente ang kasamahang si Staff Sgt. Ronie Ebcas, nakatalaga sa 18th Infantry Battalion-Canine Unit na naka-base sa Brgy. Campo Uno, Lamitan City.

Binanggit ni Lamitan City Police chief, Lt. Coil. Arlan Delumpines, ang insidente ay naganap dakong sa Brgy. Campo Uno, dakong 2:35 ng hapon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Minamaneho ni Ebcas ang motorsiklo nito, angkas si Gaffud, patungong daungan ng lungsod sa Brgy. Kulay-Bato nang biglang pagbabarilin ng mga lalaki.

Matapos ang pananambang, kaagad na tumakas ang mga suspek patungong kabundukan.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng pananambang ang ilang basyo ng bala ng .45 caliber pistol.

Philippine News Agency