Muling inanyayahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya sa kanilang lotto games dahil milyun-milyong papremyo na naman ang naghihintay upang kanilang mapanalunan.

Batay sa jackpot estimates ng PCSO, papalo na sa mahigit₱102 milyon ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na nakatakdang bolahin ngayong alas-9:00 ng gabi ng Miyerkules, Abril 19, 2023.

"Si Mega Lotto 6/45? Di mo na siya mamaliitin, dahil sa laki ng jackpot nya right now, siya na ang IN na IN!🤩," ayon pa sa PCSO.

Samantala, ang jackpot prize naman ng GrandLotto 6/55, na bobolahin rin ngayong Miyerkules ng gabi, ay nananatili sa P29.7 milyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes habang angGrandLotto 6/55 ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya ng lotto, dahil sa halagang₱20 lang ay may tiyansa ka nang magiging susunod na milyonaryo, at nakatulong ka pa sa mga kababayan nating nangangailangan.