Muling umingay ang social media dahil sa larawang ibinahagi ng Vivamax star na si Salome Salvi kasama ang singer at songwriter na si Janno Gibbs.

Sa kaniyang Facebook post, makikita ang larawan nila ng singer at ipinahayag ang kaniyang paghanga kay Janno, na tinutukoy nito bilang kaniyang idol.

"Si idol pala 'to eh," caption niya sa post.

National

Zubiri sa violent content, addictive platforms: 'We need to act before this becomes normal!'

Agad naman itong binigyang malisya ng netizens at umani ng iba't ibang reaksyon ang larawan, ang ilan pa nga'y humihirt ng collaboration ng dalawang artista.

"Ang kulit, colab yan?"

"When ang collab? Eme hahaha"

"Ipagpatawad mo aking kapangahasan.."

"Title.. Hustler x professional"

"Lupit talaga ni Idol ahahaha!"

"Ingat Salome"

"Lodi talaga HAHAHAHA"

"Nako delikado ka HAHAHA"